top of page

Paano mo haharapin ang kamatayan?

Marami sa atin pag tinatanong kung ano ang malaking kinatatakutan sa buhay ay kalimitan ay ang sagot ay ang kamatayan.Bakit nga ba takot lahat tayong mamatay dahil ba hindi na natin makikita at makakasama ang ating mga mahal sa buhay.Malamang ito ang no.1 rason ngunit sinasabing HIRAM SA DIYOS ang ating buhay.Wala pa man tayo sa sinapupunan ng ating ina ay alam na Nya kung kelan tayo darating at mawawala sa mundo.Minsan naitanong na ba natin sa ating sarili.Ano ang magandang aral at ala-ala bilang anak ng DIYOS ang ating naibahagi sa ating mga mahal sa buhay at kapwa?Kung totoo na ang ating kaluluwa ay walang kamatayan san kaya ito patungo sa langit ba o sa impyerno?

Walang tao ang hindi natatakot sa kamatayan, actually iba-iba tayo ng initial reaksyon kapag naririnig ang salitang “ kamatayan”.

May nalulungkot, nagagalit, nauunsyame at naiiyak.

Puro negatibong emosyon ang ating nararamdaman at yun ay senyales ng “takot” pero tanung ko lang sa sarili ko noon dapat nga bang katakutan ang kamatayan?

Sagot ko nung una ay OO then sinabayan ko ng tanung na

Bakit?

Dahil mawawala ka na sa mundo at hindi mo na makakasama mga mahal mo sa buhay? Yun ba? Maari pero maging sila ay dun din naman hahantong hindi lang talaga natin alam kung kelan, paano at saan. May hinahanap akong mas validong sagot at sa aking pag-iisip ay akin ng natagpuan ang tumpak na sagot para sa akin …

Sa tingin ko takot ang tao mamatay hindi dahil sa mawawala na siya sa mundong ito o hindi rin dahilan kaya takot ang taong ma-matay dahil sa kung anung klaseng sanhi o paraan ng pagkamatay, ang totoong dahilan kaya takot ang taong mamatay ay dahil ayaw niyang mawala sa mundong ito na hindi pa niya naeenjoy ang buhay. Ang ibig kung sabihin sa naeenjoy ay hindi yung pag- shashopping or pag- gimmick, ang tao kasi may isa yang hinahanap sa buhay, yung maramdaman niyang valueble siya. Yun bang ang pakiramdam mo ay may nagawa kang makabuluhan sa iyong buhay.

Kaya lang marami sa atin ang hindi nabubuhay ng makabuluhan dahil hindi daw nila alam kung paano mabuhay ng makabuluhan, walang dapat ipagtaka kung bakit maraming taong takot mamatay, dahil nga hindi pa nila nasisimulan ang kanilang misyon sa buhay.

Anong misyon?

Yun nga yun! Yung mabuhay ka ng makabuluhan.

Kung titignan mo ang mga taong may malinaw na plano sa buhay at may malinaw na naisin eh hindi nila kinatatakutan ang kamatayan hindi dahil sa wala silang pakialam sa buhay nila kundi alam nila na ang essence ng buhay ay gawin mo ang gusto mong gawin abutin mo ang mga pangarap mo.

Mahirap man o masasakit ang pagsubok sa totoo lang ay masaya iyan, dahil sa mga pagsubok dyan tayo nahahasa para maging karapat-dapat sa tagumpay. Mabibigo ka, mabubwisit ka o maiiyak ka tapos nyan ay tatawa ka, magtatagumpay ka at hahalakhak ka ng malakas.

Yun ang masakit sa kamatayan, yung ma- maalam ka sa mundong ito na may pinaghinayangan ka.

Hindi yung patalim, bala, sakit or yung pagkadurog ng katawan.

Ang masakit sa kamatayan ay yun ngang mamatay ka ng may panghihinayangan.

Kaya sa totoo lang hindi tayo dapat matakot sa kamatayan kundi ang marapat ay huwag nating hayaang masayang ang mga magagandang pagkakataon sa ating buhay para wala tayong panghinayangan.

Yun-yon takot ang tao na may panghinayangan, hindi tayo takot sa kamatayan.


Featured Posts
Check back soon
Once posts are published, you’ll see them here.
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page